Ulat ng global witness na tumaas ang kaso ng pagpatay sa mga environmental activists sa bansa pinasinungalingan ng Malakanyang

Pumalag ang Malakanyang sa pahayag ng International Rights Watchdog na Global Witness na tumaas ang kaso ng patayan sa mga environmental activists at land defenders sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na imbestigahan muna ang pagkamatay ng isang kaso at alamin kung ano ang kanyang mga adbokasiya.

Hindi aniya patas na i-generalize na lamang na basta pinapatay ng walang katuturan ang isang aktibista o land defenders.

Hindi rin aniya patas na sabihing tumaas ang kaso ng mga patayan dahil naging matapang ang mga salarin bunsod ng mga pahayag ng pangulo sa harap ng publiko.

Base sa ulat ng Global Witness, 113 na ang naiulat na napatay na mga environmental activists at land defendsrs simula maupo sa pwesto si Pangulong Duterte noong 2016.

Mas mataas ito kumpara sa 65 kaso na naitala tatlong taon bago naging pangulo ng bansa si Pangulong Duterte.

Read more...