Higit 100 Pinoy, nasagip sa lumubog na ferry sa Sabah

By Jay Dones January 07, 2016 - 10:03 PM

 

Mula sa inquirer.net

Nailigtas ng Malaysian Coast guard ang higit sa isandaang mga Pinoy na sakay ng ferry boat na lumubog sa karagatang sakop ng Sabah.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., information officer ng Western Mindanao Command, nakabanggaan ng barkong MV Juhari ang isang barge sa karagatang sakop ng Bum-bum island sa bahagi ng Sempornah

Dahil dito, nagsimulang lumubog ang ferry sa pagitan ng alas 8 hanggang alas 10:00 ng gabi, Miyekrules.

Umalis aniya ang MV Juhari sa Bongao, Tawi-Tawi lulan ang 158 katao at patungo sana ng Sabah nang maganap ang aksidente.

Wala namang naiulat na nasawi sa banggaan.

Gayunman, 12 katao ang isinugod sa ospital sa Malaysia sanhi ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan dulot ng banggaan ng dalawang sasakyang pandagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.