Operasyon ng Pogo sa Quezon City ipinatigil ng BIR

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2019 - 09:05 AM

Nagpalabas ng closure order ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Great Empire Gaming and Amusement Corp., isang hindi rehistradong Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa Quezon City.

Pinangunahan ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa at Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino ang pagsisilbi ng closure order kasama ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Guballa, ang Great Empire ang ikalawa sa pinakamalaking Pogo service operator sa bansa.

Sinabi naman ni Lambino na mayroong 2,000 manggagawa ang naturang Pogo na karamihan ay Chinese.

Ani Guballa may mga susunod pang closure operations na ipatutupad ang BIR at DOF sa mga hindi rehistradong Pogo sa bansa partikular sa Parañaque at Subic.

TAGS: Bureau of Internal Revenue, eastwood, Great Empire Gaming and Amusement Corporation, Philippine offshore gaming operator, POGO, quezon city, Bureau of Internal Revenue, eastwood, Great Empire Gaming and Amusement Corporation, Philippine offshore gaming operator, POGO, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.