LOOK: Matinding traffic naranasan sa SLEX – Muntinlupa dahil sa ipinatupad na road closure sa bahagi ng Alabang Viaduct
Nakaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Muntinlupa.
Sa abiso ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. ang operator ng SLEX, sinimulan ng alas 10:00 ng gabi ng Martes (Sept. 24) ang pagsasara sa lane 3 northbound o ang outermost lane ng Alabang Viaduct.
Nagpatupad ng stop and go traffic scheme sa East Service Road para makadaan ang mga motorista.
Ang road closure ay bunsod ng nagpapatuloy na Skyway Project.
Dahil sa road closure ay nakaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa northbound ng SLEX.
Pinayuhan ng Muntinlupa Traffic Management Bureau ang mga motorista na maghanap na lamang muna ng alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.