23 arestado sa UK dahil sa smuggling; Ilang Pinoy kabilang sa iniimbestigahan
Aabot sa 23 katao ang inaresto ng British police bilang bahagi ng serye ng imbestigasyon sa mga kaso ng people smuggling.
Ginawa ang pag-aresto sa pagitan ng September 11 at 21, at kasama sa dinakip ang 11 katao na hinihinalang nasa likod na pagtawid sa pagitan ng France at England gamit ang maliliit na bangka.
Kasama sa gawak ngayon ng mga otoridad ay pawang British, Iraqi at Iranian nationals.
Pinabalik na rin sa Europa ang mahigit 80 katao na pumasok sa Britain sa ilegal na pamamaraan.
Nagpatupad na ng mahigpit na pagpapatrulya ang Border Force at nagresulta ito sa pagkakaharang sa 21 migrante sakay ng 2 maliit na bangka.
Kasama sa mga migranteng ito ang mga mamamayan mulan Afghanistan, Ethiopia, Iran, Iraq, Pakistan, Pilipinas, Turkey at Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.