22 patay, higit 700 sugatan sa magnitude 5.8 na lindol sa Pakistan

AP photo

Nasawi ang 22 katao habang higit 700 naman ang nasaktan matapos tumama ang magnitude 5.8 na lindol sa northeast Pakistan araw ng Martes.

Sa impormasyon ng Meteorological Department ng Pakistan, ang episentro ng lindol ay naitala sa bulubunduking lungsod ng Jehlum sa eastern Punjab province.

Mababaw ang lindol na may lalim lamang na 10 kilometro kaya’t malaki ang iniwang pinsala sa mga bahay at kalsada.

Ayon kay Kashmir information minister Mushtaf Minhas, kabilang sa mga nasawi ay mga babae at bata matapos maipit sa mga gumuhong pader at kisame.

Tiniyak ng opisyal na mabibigyan ng tents, suplay ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ang mga naapektuhan ng lindol.

Dagdag pa ni Mushtaf, sisikapin ng pamahalaan na mabilis na maisasagawa ang rehabilitasyon.

Ayon naman kay National Disaster Management Authority chariman Mohammad Afzal, maswerte namang hindi gaanong napinsala ang main dam ng bansa na Mangla Dam.

 

Read more...