Ito ang sinabi ni Sen. Christopher Go matapos kumpirmahin na nakarating na sa Malakanyang ang listahan ng mga pangalan ng mga opisyal.
Sa huling pag-uusap anya nila ng pangulo ay sinabi nito na karapatan ng sambayanan na malaman ang mga opisyal ng PNP na nagpapakalat pa ng mga nakukumpiskang droga.
Dagdag ng senador, sakop ng pangakong pabuya ng pangulo para sa mga mapapatay o mahuhuling ‘ninja cops’ ang mga opisyal.
Kaugnay naman sa mga naglalabasang ulat na si PNP chief General Oscar Albayalde ang ulo ng ‘ninja cops,’ sinabi ni Go na hindi niya pangungunahan ang pangulo sa pagsasapubliko ng mga nasa listahan.
Samantala, sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na itataya niya ang kanyang pangalan at buhay para sa integridad ni Albayalde, na kanyang kaklase sa PMA Sinagtala class of 1986.
Inamin ni Dela Rosa na maaaring may pagdududa siya kung napatunayan na may nalalaman si Albayalde sa ‘agaw bato’ modus ng kanyang mga tauhan sa Pampanga noong 2013.
Matatandaan na nasibak si Albayalde noong march 2014 bilang Pampanga Provincial Police director dahil sa ‘command responsibility policy’ nang mabuking ang anomalya sa ikinasang buy bust operation ng kanyang mga tauhan sa isang suspected Chinese drug lord sa bayan ng Mexico.
Tulad ni Go, pabor din si Dela Rosa na isapubliko ang mga opisyal ng PNP na isinasangkot sa umanoy recycle ng droga na nakumpiska sa operasyon.