Dela Rosa: ‘pinatis’ ako noon sa PMA

By Jan Escosio September 25, 2019 - 03:59 AM

Kuha ni Jan Escosio

Inamin ni dating PNP chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nakaranas din siya ng pahirap noong siya ay nasa Philippine Military Academy (PMA).

Miyembro ng PMA Sinagtala class of 1986 si Dela Rosa.

Sa pagkakamatay ni cadet 4th class Darwin Dormitorio dahil diumano sa ‘hazing,’ masasabi ni Dela Rosa na noon ay mas matindi ang kanilang naranasan.

Sinabi pa ng senador na para sa kanya, mas gugustuhin na niyang mabugbog kesa maranasan ang kakaibang pagpapahirap.

Inamin din nito na may pagkakataon noon na may nauuwi sa pananakit ng kadete.

Nagpahiwatig pa ang senador na may hazing talaga ng mga kadete sa PMA.

Pero naging emosyonal naman si Dela Rosa sa pagdepensa nito sa PMA.

Depensa ng senador, ang pagkamatay ni Dormitorio ay maituturing na ‘very isolated case’ lang dahil halos dalawang dekada nang walang katulad na insidente sa PMA.

 

TAGS: bugbog, Darwin Dormitorio, hazing, pahirap, pinatis, PMA, Senator Ronald Bato Dela Rosa, very isolated case, bugbog, Darwin Dormitorio, hazing, pahirap, pinatis, PMA, Senator Ronald Bato Dela Rosa, very isolated case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.