Estudyanteng manonood ng UAAP tuwing Miyerkules, P35 na lang ang bayad

Inilunsad ng UAAP ang promo na “Student Wednesday” kung saan P35 na lang ang babayaran ng estudyanteng manonood ng men’s at women’s basketball games tuwing Miyerkules.

Ayon kay UAAP president Em Fernandez, P35 na lamang ang presyo ng upper box at general admission tickets sa SM Mall of Asia at Araneta Coliseum.

Layon ng “Student Wednesdays” na mahikayat ang mga estudyante ng mga unibersidad na mga miyembro ng UAAP na manood ng mga games.

Sinabi ni Fernadez na iba pa rin ang live na laro kumpara kung sa mga social media sites lamang manonood.

Ang naturang promo anya ay tatagal sa buong elimination round.

Mataposa ang 12:30 p.m. games tuwing Miyerkules, kailangang ma-clear ang venue saka magbebenta ng hiwalay na tiket na P35 ang presyo para sa mga manonood na estudyante sa huling laro.

 

Read more...