Sandara Park bumalik sa Paris Fashion Week

By Len Montaño September 25, 2019 - 03:32 AM

Bagong look ang Korean star na si Sandara Park sa pagbabalik nito sa Paris Fashion Week.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Sandara ang kanyang hair color na blonde.

Simpleng pantalon at white shirt ang attire ni Sandara na may kasamang itim na sombrero sa pagpunta nito sa Paris, France.

Pinost din ng singer-actress ang larawan kung saan makikita itong nakasuot ng Marine Serre na damit.

Una nang dumalo si Sandara sa Paris Fashion Week noong Marso.

Hindi ito ang unang pagkakataon na blone ang buhok ni Sara.

Matatandaan na blone hair si Sara sa music video ng “Falling in Love” ng grupo nitong 2NE1 noong 2013.

Sumikat ang naturang K-pop girl group sa Pilipinas hanggang mag-disband ito noong 2016.

 

TAGS: 2NE1, blonde, Falling in Love, K-pop, Marine Serre, Paris Fashion Week, Sandara Park, 2NE1, blonde, Falling in Love, K-pop, Marine Serre, Paris Fashion Week, Sandara Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.