Lacson: Planong pamimigay ng P1.5B sa bawat House Deputy Speaker hindi itinuloy
Nalaman ni Senator Panfilo Lacson na hindi itinuloy ang plano umano ng Kamara na bigyan ng tig P1.5 bilyong ang 22 Deputy Speakers.
Ayon kay Lacson, hindi rin natuloy ang anyay nakatakdang pamimigay ng P700 million sa bawat kongresista bago pa niya ito ibinunyag sa media.
Walang ideya ang senador kung bakit naudlot ang plano at ayon anya sa kanyang sources, hindi ito dahil sa kanyang pagbubunyag kundi bago pa ang kanyang pahayag.
“It did not push through. Even the plan to give P1.5 billion will not push through. I didn’t know about it. I just learned about it a while ago…I checked with my sources on what really happened. It did not push through — not because I mentioned it yesterday, but even before,” ani Lacson.
Binatikos at itinanggi ng liderato ng Kamara ang pahayag ni Lacson ukol sa umanoy makukuha ng mga kongresista mula sa pambansang pondo sa susunod na taon.
Hiniling ng mga ito na sabihin ng senador kung saan niya nakuha ang naturang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.