Albayalde ipinag-utos ang manhunt laban sa mga nanambang sa 3 pulis sa Oriental Mindoro

By Rhommel Balasbas September 25, 2019 - 03:02 AM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde ang pagtugis sa mga suspek na nasa likod ng pananambang sa mga pulis sa Socorro, Oriental Mindoro kahapon araw ng Martes.

Sa pahayag na ipinadala ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa media, sinabi nito na nagbigay ng direktiba ang PNP Chief sa Police Regional Office MIMAROPA (PRO-4B) para hanapin ang mga suspek at panagutin ang mga ito sa ilalim ng batas.

“PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde has directed the PRO4B (Police Regional Office 4B) under PBGen Tomas Apolinario Jr. to immediately launch manhunt operations, expedite the investigation and make all perpetrators accountable before the law following the ambush incident that transpired at 7:45 a.m., at SRNH, Brgy. Pasi 2, Socorro, Oriental Mindoro,” ani Banac.

Magugunitang sugatan sa insidente sina Chief Master Sergeant Ivan Fortus, Senior Master Sergeant Irene Lazo at Corporal Ivy Carmona,habang ligtas naman sina Pinamalayan Municipal Police Station chief, Capt. Ruelito Magtibay at Patrolman Raquel Generoso.

Papunta lang sana ang mga biktima sa Calapan City para sa isang radio program.

Ayon sa Chairman ng Barangay Pasi 2 na si Danilo Caspe, bago ang ambush sa police mobile ay nakarinig pa sila ng malakas na pagsabog.

 

TAGS: ambush, Oriental Mindoro, pagtugis, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Pulis, ambush, Oriental Mindoro, pagtugis, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.