Simbahan sa Orani, Bataan, idineklara ng Vatican bilang Minor Basilica
Iginawad ng Vatican ang minor basilica status sa isang Simbahan sa Orani, Bataan.
Inaprubahan ng ‘Congregation for Divine Worship and the Discipline’ ng Vatican ang aplikasyon para gawing minor basilica ang Our Lady of the Rosary Parish Church.
Sa isang pahayag, sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang paggawad ng titulong minor basilica sa Orani Church ay isang biyaya ng Diyos.
Lubos din ang pasasalamat ni Santos kay Pope Francis.
Ang deklarasyon para gawing minor basilica ang simbahan ay regalo na rin sa parokya dahil sa nakatakdang kapistahan ng kanilang patron sa October 13.
Hindi pa inaanunsyo ng Diocese of Balanga kung kailan ang pormal na deklarasyon para sa pagiging minor basilica ng Orani Church.
Dahil sa deklarasyon, umabot na sa 16 ang simbahan sa Pilipinas na may titulong minor basilica kung saan ang ilan sa mga pinakatanyag ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o ang Quiapo Church, at Minor Basilica of Santo Niño de Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.