Convicted German pedophile arestado ng BI sa Misamis Occidental
Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang convicted German pedophile sa Misamis Occidental.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng BI ang German na si Alfons Hermann Keittl, sitenta y uno anyos, sa Ozamis City noong September 19.
Ipinaalam aniya ng German embassy sa Maynila na mayroong kinakaharap na arrest warrant ang dayuhan dahil sa ilang criminal sex offenses.
Inilabas ang arrest warrant sa isang local court sa Landshut, Germany noong buwan ng Hulyo.
Maliban dito, lumabas sa travel database ng BI na dumating ang dayuhan nong May 8 bilang turista.
Kinansela na rin ng German government ang pasaporte nito dahilan para siya ay maging undocumented alien.
Ani Morente, agad ipapa-deport ang dayuhan dahil sa pagiging seryosong banta nito sa kaligtasan ng mga kabataang Filipino.
Tiniyak din nito na hindi na makakabalik ng bansa ang dayuhan dahil mapapasama na ito sa blacklist ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.