Pang. Duterte gagamitin ang veto power kung may pork barrel insertion sa 2020 budget

Tiniyak ng palasyo ng malakanyang na gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power kung mapatutunayan na may nakasingit na pork barrel funds sa 2020 national budget na aabot sa P4.1 trilyon.

Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P700 milyon ang bawat kongresista habang tig P1.5 bilyon naman ang matatanggap ng 22 deputy speakers.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang abogado si Pangulong Duterte at kapag nakitang unconstitutional ang nakasingit na pork barrel funds ay tiyak na matatapyas ito sa pambansang pondo.

Tungkulin aniya ng pangulo na busisiin ang pambansang pondo bago pa man aprubahan.

Naniniwala si Panelo na depende naman sa pangangailangan ng mga kongresista ang paghingi ng pondo.

Matatandaan na sa 2019 budget, tinanggap ng pangul ang mahigit P95 bilyong pondo na umanoy pork barrel funds ng mga mambabatas.

 

Read more...