WATCH: Suspect sa pagpatay sa empleyado ng Manila City Hall sumuko kay Mayor Isko

By Len Montaño September 25, 2019 - 12:16 AM

Screengrab of Mayor Isko Moreno FB live

Sumuko kay Mayor Isko Moreno ang suspect sa pagpatay sa isang babaeng empleyado ng Manila City Hall.

Sa Facebook live ni Moreno ay mapapanood ang pagpunta ng kanyang grupo sa isang lugar sa Cavite bago alas 11:30 Martes ng gabi.

Sumuko ang suspect na si Eric Capulong, 46 anyos, kinakasama ng biktimang si Connie Beldad, 39 anyos at tauhan ng Manila Traffic ang Parking Bureau (MTPB).

Si Capulong ay nagtago sa bahay ng kapatid nitong babae at kalaunan ay ipinarating sa alkalde ng pagnanais na sumuko ng suspect.

Tiniyak naman ni Mayor Isko ang kaligtasan ni Capulong na dinala sa Manila Police District.

Ayon sa alkalde, mabuting sumuko ang suspect para maayos nitong maharap ang kaso ng pag-patay sa kanyang kinakasama.

Dagdag ni Moreno, tutulungan nila ang mga anak ng dalawa sa pamamagitan ng DSWD sa lungsod at magbibigay sila ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima.

Lunes ng gabi nang makita ang duguang bangkay ni Beldad sa bahay nila ng suspect sa Tondo, Manila.

Nakita sa lababo ng bahay ang martilyo na sinasabing ginamit sa pagpatay kay Beldad.

Kuha sa CCTV ng Barangay 145 sa Tondo ang pagtakas ni Capulong dala ang mga anak nila ng biktima.

Selos ang umanoy dahilan ng krimen at inakusahan ni Capulong ang kinakasama na may ibang lalaki.

Ayon sa ilang kapitbahay, narinig nilang nag-away ang dalawa at sumisigaw si Beldad na wala siyang lalaki.

TAGS: basag ang ulo, cavite, facebook live, kinakasama, manila, Manila City Hall employee, Mayor Isko Moreno, pumatay, selos, sumuko, suspect, Tondo, basag ang ulo, cavite, facebook live, kinakasama, manila, Manila City Hall employee, Mayor Isko Moreno, pumatay, selos, sumuko, suspect, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.