M3.5 na lindol naitala sa Bohol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Bohol alas-11:30 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Timog-Kanluran ng Dauis.

May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...