Bagong AFP chief of staff umupo na sa pwesto

By Len Montaño September 24, 2019 - 11:26 PM

Pormal nang umupo sa kanyang pwesto ang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na si Lt. Gen. Noel Clement araw ng Martes.

Si Clement ang ika-52 AFP chief of staff kapalit ni General Benjamin Madrigal na nagretiro na matapos ang 38 na taon sa serbisyo.

Sa kanyang talumpati ay inulit ni Clement ang una ng pahayag na lalabanan nito ang problema sa insurgency sa bansa.

Babala ng bagong AFP chief of staff, naka-sentro ang operasyon ng militar laban sa mga banta sa kapayapaan.

Igiit ni Clement na mananagot ang mga kalaban ng estado.

Tiniyak naman nito na sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay igagalang ng AFP ang karapatang pantao at mananatiling non-partisan ang militar.

Bago naging AFP chief of staff ay huling naging commander ng Central Commmand si Clement.

Mayroon lamang ilang buwan si Clement sa pwesto dahil nakatakda na rin itong magretiro sa January 2020 sa edad na 56.

 

TAGS: AFP, Chief of Staff, General Benjamin Madrigal, ika-52 AFP chief of staff, insurgency, Lt. Col. Noel Clement, umupo sa pwesto, AFP, Chief of Staff, General Benjamin Madrigal, ika-52 AFP chief of staff, insurgency, Lt. Col. Noel Clement, umupo sa pwesto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.