Taas-presyo ng ilang bilihin inilabas ng DTI

By Len Montaño September 24, 2019 - 11:30 PM

Inaprubahan ng Department of Trade in Industry (DTI) ang mahigit P1.00 na taas-presyo ng ilang bilihin.

Ito ay bunsod ng hiling na dagdag-presyo ng manufacturers ng mga de-lata, noodles, sardinas at ilang grocery items.

Ayon sa DTI, mula P0.35 hanggang P1.25 ang taas-presyo sa mga toyo, patis at ilang panimpla.

Sa 3-in-1 na kape, nasa P0.20 hanggang P1 ang taas-presyo at sa instant noodles ay may dagdag na P0.45

Nasa pagitan naman ng P0.30 at P1.50 ang dagdag sa presyo ng sardinas.

Ang hakbang ay matapos ang pagsusuri ng ahensya sa dahilan ng manufacturers para sa dagdag-presyo.

 

TAGS: dagdag presyo, dti, grocery items, manufacturers, taas presyo, dagdag presyo, dti, grocery items, manufacturers, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.