Pork barrel insertion sa 2020 budget ivi-veto ni Pangulong Duterte

By Chona Yu September 24, 2019 - 09:45 PM


Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power kung mapatutunayan na may nakasingit na pork barrel funds sa 2020 national budget na aabot sa 4.1 trilyong piso.

Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag ni senador Panfilo Lacson na mayroong 700 milyong piso ang bawat kongresista habang tig 1.5 bilyong piso naman ang matatanggap ng dalawampu’t dalawang deputy speakers.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang abogado si Pangulong Duterte at kapag nakitang unconstitutional ang nakasingit na pork barrel funds, tiyak matatapyas ito sa pambansang pondo.

Tungkulin aniya ng pangulo na busisiin ang pambansang pondo bago pa man aprubahan.

Naniniwala si Panelo na depende naman sa pangangailangan ng mga kongresista ang paghingi ng pondo.

Matatandaan na sa 2019 budget, tinanggap ni Pangulong Duterte ang mahigit 95 bilyong pisong pondo na umano’y pork barrel funds ng mga mambabatas.

TAGS: 2020 budget, 4.1 trilyong piso., Pangulong Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, 2020 budget, 4.1 trilyong piso., Pangulong Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.