DA magpapatupad ng panuntunan para sa mga imported rice na papasok sa bansa

RICE PRICE INCREASE/ JULY 4,2014
NFA workers unload tons of rice imported from Vietnam at NFA warehouse in Taguig city. In the past few weeks, rice price increased by P2 per kilogram.
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Magsasagawa ang Department of Agriculture (DA) ng isang imbestigasyon para magkaroon ng isang panuntunan kung pano mababantayan ang mga imported rice at para arestuhin ang mga nagpapasok ng marami nito sa bansa.

Ayon kay DA Secretary William Dar, ito ang kanilang hakbang para mapanatili ang ang presyo at suplay ng bigas sa bansa.

Aniya ang nasabing imbestigasyon ay matatapos sa huling linggo ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre.

Ito anya alinsunod sa batas na Republic Act 8752 (Anti-Dumping Act of 1999), kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na mag pataw ng buwis sa mga imported products kasama na ang bigas.

Pahayag pa ni Dar na gumagawa ang kanyang ahensya ng pangkalahatan at systematic na pagaaral para mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili at mga maliliit na magsasaka.

Sinabi ni Dar na sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nakapag poproduce ng 93% ng bigas at ang natitirang 7% ay sa mga imported rice.

Read more...