Bisa ng bahagi ng 2019 budget palalawigin ng Kamara
Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na palalawigin ng Mababang kapulungan ng Kongreso ang validity ng bahagi ng P3.75T 2019 budget hanggang Disyembre 2020.
Ayon kay Romualdez, prayoridad nila ngayon na aprubahan ang resolusyon para i extend ang validity ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at capital outlay.
Paliwanag ni Romualdez, magiging legal ang paggamit ng P3.757 trillion 2019 budget hanggang sa susunod na taon dahil tutugunan nito ang delays sa government spending at government programs dahil sa election ban at dahil sa pagkakaantala ng apat na buwan sa pagpasa ng General Appropriations Act (GAA) na naisabatas lang noong Abril.
Ito na anya ang pinakamagandang paraan para tugunan ang mga delayed implementation ng mga programa at proyekyo para sa delivery ng basic services sa taumbayan.
Sisimulan na rin ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang deliberasyon ng joint resolution na inihain nina Antique Representative Loren Legarda, San Juan Juan City Representative Ronaldo Zamora, and Davao Oriental Representative Joel Mayo Almario na naglalayon i-extend ang validity ng 2019 budget na maaaring maipasa sa ikalawang pagbasa bago mag break ang kongreso sa Oktubre 4.
Ang nasabing pondo ay ibabalik sa national treasury kapag hindi nagamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.