Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo ng mga manggagawa sa may elliptical road, malapit sa harap ng Quezon City hall, pasado alas-5:00, Martes ng hapon, Sept. 24.
Panawagan ng grupo na ipatupad na ang salaray increase na matagal ng pinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Jocelyn Matrines, ng Alliance of Concerned Teacher, dapat tuparin na ang pangako ni Duterte noong nangangampanya palang ito.
Sa kasalukuyan ang 32 bilyon na budget ay paghahatian ng 1.5 milyong manggagawa sa gobyerno.
Dumalo sa kilos protesta ang mga manggagawa sa kalusugan, medical professional, manggagawa sa gobyerno at guro.
Nakasulat sa kanilang mga placard ang standardized na sahod para sa buong bansa.
16,000 para sa mga empleyado ng gobyerno, 30,000 sa teacher 1, 31,000 para sa mga instructor 1.
Hiling din nila ang salary increase para sa mga nurses at doctor para hindi ma ito mag abroad.
Tumagal lang 30 minuto ang ginawang kilos protesta at hindi naman ito nakaabala sa daloy ng trapiko.