PNoy malaki pa rin ng tiwala kay Sec. Abaya ayon sa Malacañang

By Alvin Barcelona January 07, 2016 - 04:33 PM

Jun Abaya
Inquirer file photo

Masaya pa rin si Pangulong Noynoy Aquino sa trabaho ni Sec. Jun Abaya bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications o DOTC.

Sinabi ito ng Malacañang kahit na para kay Senadora Grace Poe ay inutil ang kalihim at dapat nang sibakin ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., ang ginagamit ng pangulo na prinsipyo sa pamamahala ay lahat ng miyembro ng gabinete “serves at his pleasure” at lahat ng ito ay alter ego niya na gumaganap sa kani-kanilang mga tungkulin.

Kaugnay nito, tiniyak ni Coloma na patuloy ang pagkilatis ng pangulo bilang Chief Executive sa trabaho ng mga miyembro ng gabinete at ito ang magpapasya kung sino ang mananatili sa puwesto o hindi.

Samantala, sinabi ni Coloma na hindi naman nila pinababayaan ang araw-araw na kalbaryo ng mga motorista sa Metro Manila dahil may kautusan na si Pangulong Aquino sa DOTC at iba pang ahensya ng gobyerno na magpatupad ng epektibong solusyon sa mga ito.

Nailatag na din anya ang mga long term na solusyon tulad ng karagdagang imprastraktura para sa transportasyon.

Si Abaya ang sinisisi ni Sen. Poe sa pagtitiis ng mga commuters ng MRT na hanggang ngayong ay nagti-tiyaga sa mahabang pila kahit itinaas na ang singil sa nasabing train system.

 

TAGS: Abaya, Aquino, Coloma, DOTC, Abaya, Aquino, Coloma, DOTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.