22 “ninja cops” nasa watchlist ng PNP

By Den Macaranas September 24, 2019 - 07:22 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na umaabot sa 22 “ninja cops” ang kanilang binabantayan sa kasalukuyan.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na ang nasabing mga pulis ay sangkot sa pagre-recycle ng mga nakukumpiskang droga.

Kabilang sa nasabing ninja cops ang tatlong  commissioned officers at labingsiyam na 19 non-commissioned officers.

Pansamantala munang hindi papangalanan ang mga ito habang patuloy ang police operations ayon kay Albayalde.

Sa kasalukuyan ay nakatutok na sa nasabing mga pulis ang IMEG (Integrity Monitoring and Enforcement Group) dito (here) ayon pa sa opisyal.

“That’s the very reason kung bakit tayo nagtayo ng (That’s the reason why we built) IMEG, to monitor these people and of course to reinforce ‘yung ating (the) counter-intelligence effort being done by our Intelligence Group,” dagdag pa ni Albayalde.

Nauna dito ay sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na mayroon silang mga sinusubaybayang mga police personnel na umano’y kasabwat sa operasyon ng tinaguriang “shabu queen” ng Metro Manila.

TAGS: aaron aquino, albayalde, ninja cops, PDEA, shabu queen, aaron aquino, albayalde, ninja cops, PDEA, shabu queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.