PMA cadets na sangkot sa hazing na ikinamatay ni Dormitorio pinangalanan na

By Den Macaranas September 24, 2019 - 05:45 PM

Inquirer file photo

Isinapubliko na ng Philippine Military Academy (PMA) ang pangalan ng ilang mga kadete na sangkot sa hazing na ikinamatay ni Cadette 4th class Darwin Dormitorio.

Kinilala ang mga ito na sina Cadet Third Class Shalimar Imperial at Cadet Third Class Felix Lumbag samantalang mayroong “direct participation” sa hazing si Cadet First Class Axl Rey Sanupao dahil siya umano ang pasimuno ng pananakit kay Dormitorio.

Sa pahayag ng pamunuan ng PMA, kanilang sinabi na bukod sa kaso ay inalis na sa academy ang nasabing mga kadete.

Sinibak na rin sa PMA si Cadet Second Class Nickoel Termil dahil sa “command responsibility.”

Pinatawan naman ng suspension order sina platoon leader Cadet First Class Irvin Sayud at commanding officer Cadet First Class Elbert Lucas.

Si Cadet First Class Christian Correa naman ay nahaharap sa  “class 1 offense.”

Ipinag-utos na rin ng PMA ang pagsibak sag a military personnel na sina Major Rex Bolo (senior tactical officer) at Captain Jeffrey Batistiana (tactical officer).

Papatawan naman ng administrative charges sina Hospital officers Colonel Cesar Candelaria (commanding officer) at Captain Flor Apostol (attending physician).

Noong Setyembre 18 natagpuang walang malay ang biktimang si Dormitorio kung saan ay nakitang puno ng pasa ang kanyang katawan.

Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Kanina ay nagbitiw na rin sa kanilang pwesto sina PMA Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista at commandant of cadets Brigadier General Bartolome Bacarro.

TAGS: bacarro, evangelista, felix lumbag, hazing, PMA, Shalimar Imperial, bacarro, evangelista, felix lumbag, hazing, PMA, Shalimar Imperial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.