Pagpapaliban sa Brgy. at SK elections lusot na sa komite sa Kamara
Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa naging pagdinig ng komite itinakda nito ang eleksyon sa ikalawang Lunes ng Mayo, 2023.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang Commission on elections (Comelec) ng sapat na panahon upang makapaghanda.
Isa ang postponement ng Barangay at SK elections sa prayoridad ng pangulo na binanggit sa kanyang SONA.
Nakatakda sana sa Mayo ng taong 2020 ang eleksyon para dito.
May mahigit tatlumpu’t apat na mga panukala dito sa Kamara na nakahain upang ipagpaliban ang barangay at sk elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.