Panelo: Banta ng bagong BuCor chief sa mga preso isang political statement lang

By Chona Yu September 24, 2019 - 03:26 PM

Inquirer file photo

Isang political statement lamang ang banta ni bagong Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na kanyang kakatayin ang sinumang magtatangkang manuhol sa kanya.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, kagaya si Bantag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapang magsalita.

Isang warning lamang aniya ang pahayag ni Bantag at ipinamumukha sa sinuman na hindi siya ang tipo ng tao na tumatanggap ng suhol.

Sinabi pa ni Panelo na walang ibang kahulugan ang mga pahayag ni Bantag.

Sinabi ni bantag na kanyang kakatayin ang sinumang manunuhol sa kanya o di kaya ay sasampahan ng kasong criminal o administratibo.

Una nang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na kung siya lamang ang masusunod ay gusto niyang isang killer ang mamuno sa BuCor.

TAGS: bantag, bong go, bribery, NBP, panelo, bantag, bong go, bribery, NBP, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.