Inaprubahang P4.1T 2020 national budget hindi dapat maging batas
Nanindigan si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na hindi dapat hayaang makalusot sa Kongreso ang ipinasang 2020 General Appropriations Bill ng Mababang Kapulungan.
Ayon kay Zarate, hindi dapat hayaan na tuluyang makalusot maging sa Senado ang P4.1 Trillion na budget sapagkat hindi ito dumaan sa tamang pagbusisi sa lebel pa lamang ng Kamara at minadali ang proseso ng pagapruba dito.
Sinabi ng kongresista na pagkabigay pa lamang ng libro ng pambansang pondo ay agad na sinimulan ang mga pagdinig at nawalan ng panahon ang mga kongresista na aralin ang nilalaman nito.
Hindi na rin nila nasilip pa ang mga malalaking halaga ng lumpsum at congressional allocation na patunay na naririyan pa rin ang pork barrel.
Iginiit nito na Matapos lamang ang isang linggo ng pagpasok ng individual amendments sa pambansang pondo ay agad itong isusumite sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.