Ayon kay Ako Bicol Rep. Aldredo Garbin Jr., gusto nilang tukuyin ng Philippine National Police (PNP) kung kanino napunta ang reward money.
Hihintayin aniya nila ang accounting ng PNP kung kanino napunta ang pera upang matukoy kung karapat-dapat na tao ang napagbigyan nito.
Wala ring ideya ang Ako Bicol Partylist hanggang ngayon kung kanino ibinigay ang P35 million na bounty na pinag-ambangan ng mga kongresista nang mapaslang si Batocabe.
Inaalam naman na ng legal team ng Ako Bicol ang balitang binawi ng mga testigo ang testinomnya nila laban kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil hindi naibigay sa kanila ang reward money.