Reward money sa kaso ng pagpatay kay Rep. Batocabe ipinalalantad ng Ako Bicol Partylist

By Erwin Aguilon September 24, 2019 - 12:57 PM

Nais malaman ng Ako Bicol Partylist kung saan napunta ang P35 million na patong sa ulo ng mga suspek sa pagpatay kay dating Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Aldredo Garbin Jr., gusto nilang tukuyin ng Philippine National Police (PNP) kung kanino napunta ang reward money.

Hihintayin aniya nila ang accounting ng PNP kung kanino napunta ang pera upang matukoy kung karapat-dapat na tao ang napagbigyan nito.

Wala ring ideya ang Ako Bicol Partylist hanggang ngayon kung kanino ibinigay ang P35 million na bounty na pinag-ambangan ng mga kongresista nang mapaslang si Batocabe.

Inaalam naman na ng legal team ng Ako Bicol ang balitang binawi ng mga testigo ang testinomnya nila laban kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil hindi naibigay sa kanila ang reward money.

TAGS: Carlwyn Baldo, Radyo Inquirer, Reward money, Rodel Batocabe, Carlwyn Baldo, Radyo Inquirer, Reward money, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.