Maynila ligtas pa sa ASF

Ligtas ang meat products na nabibili sa Maynila mula sa African Swine Fever (ASF).

Ito ang pagtitiyak ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa publiko.

Ayon kay VIB Chief Dr. Nick Santos, nananatili silang nasa “high alert” at patuloy sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga ibinebentang meat products para matiyak na hindi mapapasukan ng produktong may ASF.

Sinabi ni Santos na hindi dapat mangamba ang publiko sa pagbili ng karneng baboy at pagkain nito.

Simula September 1 ay patuloy ang pagsasagawa ng inspeksyon at monitoring ng VIB sa mga pamilihan sa lungsod.

Pinayuhan din nito ang publiko na maging mapagmatyag sa pagbili ng meat products at tiyakin na mayroong meat inspection certificates ang bibilhing karne.

Read more...