3 patay, 1 sugatan sa banggaan ng truck at jeep sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2019 - 12:33 PM

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang isa pa sa aksidente sa pagitan ng truck at pampasaherong jeep sa bayan ng Lopez sa Quezon.

Patungong Maynila ang wing van cargo truck at nasa bahagi ito ng diversion road nang mawalan ng kotnrol sa sasakyan ang driver na si Randy Resos sa Barangay Danlagan, Lunes (Sept. 23) ng hapon.

Ayon kay Major Leon Divino, Lopez police chief, bumangga ang truck sa paparating na pampasaherong jeep na minamaneho ni Arden Erivera.

Naipit sa nayuping jeep si Erivera at ang tatlong pasahero na sina Francisco Balinado, Joy Quintao, at Cascmer Balindog.

Sinubukan pang maisugod sa Magsaysay Memorial Hospital ang apat na bitkima, pero sina Erivera, Quintao, at Balindog hindi na umabot ng buhay habang ginagamot naman si Balinado.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

TAGS: accident, Jeep, lopez, Quezon, truck, accident, Jeep, lopez, Quezon, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.