Patay ang tatlong katao kabilang ang isang menor de edad makaraang bumangga sa puno ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Nangyari ang aksidente sa national highway sa Barangay Singkatulan bayan ng Makilala.
Ayon kay Police Major Amiel Melocotones, Makilala police chief, nakilala ang mga nasawi na sina Ruel Tolentino, Jonathan Doceo, at ang menor de edad na si Garry De Asis.
Ang tatlo ay sakay ng motorsiklo patungo sa bayan ng Mlang nang tangkain na mag-overtake habang binabagtas ang highway.
Pero nawalan umano ng kontrol ang driver sa motorsiklo dahilan para bumangga ito sa puno ng Talisay.
Ayon kay Melocotones, ang tatlo ay pawang nakainom ng alak.
Samantala, sa kalapit na Barangay Patulangon, dalawa naman ang nasugatan dahil din sa aksidente sa motorsiklo.
Nabangga ang motorsiklo sa isang multicab.
Natuklasan din na lasing ang driver ng motorsiklo na si Daryl Untal. Si Untal at ang sakay niyang si Jocelyn Cacam ay naisugod agad sa ospital.