Anak ni dating World Boxing Champion Rolando Navarette patay sa pananambang sa GenSan

Nasawi ang anak ni dating World Boxing Champion Rolando Navarrete makaraang tambangan.

Nangyari ang pananambang kay Rolando Navarette Jr., sa Barangay Lagao, General Santos City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima kasama ang kaniyang live-in partner nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Bagaman nadala pa sa ospital ay nasawi din si Navarette dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Pero base sa rekord ng pulisya ang nakababatang Navarette ay nasa drugs watchlist at dati na ring sumuko sa mga otoridad.

Read more...