Ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan makararanas ng power interruptions

Makararanas ng power interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila simula ngayong araw ng Martes (September 24) hanggang sa Linggo (September 29) dahil sa ilang maintenance activities.

Sa advisory ng Manila Electric Company (Meralco) apektado ng power outages ang ilang mga barangay sa Caloocan, Navotas, Mandaluyong, Malate, San Nicolas, Parañaque, Pasay, Valenzuela, at Quezon City.

Ayon sa Meralco, magkakaroon ng line reconductoring, relocation of primary lines, installation of facilities, at replacement of pole.

Makararanas din ng power interruptions sa ilang mga barangay sa Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon Province.

Read more...