Bago at mas mahabang trailer ng “Frozen 2” inilabas na ng Disney

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2019 - 10:46 AM

Inilabas na ng Disney ang bago at mas mahabang bersyon ng trailer ng “Frozen 2” na nakatakdang ipalabas sa Nov. 22.

May habang 1 minuto at 13 segunto ang trailer na inumpisahan sa flashback habang nagkukwento kina Elsa at Anna ang kanilang ama noong sila ay bata pa.

May banta ng hindi maipaliwanag na forces of nature sa Arendelle kaya kailangan itong protektahan ni Elsa.

Makikita rin sa trailer ang mas malakas na kapangyarihan ni Elsa at kasama niya sa laban sina Anna, Kristof, Sven at Olaf.

May mga bagong karakter ding makikilala sa “Frozen 2”.

TAGS: Anna, Arendelle, Disney, Elsa, Frozen2, Anna, Arendelle, Disney, Elsa, Frozen2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.