Tatlong pulis sugatan sa ambush sa Oriental Mindoro
Nasugatan ang tatlong pulis makaraang pasabugan at pagbabarilin ang sinasakyan nilang police mobile sa bayan ng Socorro sa Oriental Mindoro.
Patungo sana sa isang radio program sa lugar ang tatlong pulis na pawang tauhan ng Pinamalayan Police Station nang sila ay tambangan.
Ayon kay Lt. Col. Socrates Fataldo, tagapagsalita ng MIMAROPA Police Regional Office, lulan ng mobile patrol ang isang kapitan ng barangay at limang pulis.
Kasama sa sakay ng mobile patrol ang deputy chief of police ng Pinamalayan Police Station at kaniyang mga tauhan.
Bago pinaulanan ng bala ang mobile patrol ay nagkaroon muna ng malakas na pagsabog base na rin sa pahayag ng mga testigo.
Dinala sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang mga nasugatang pulis.
Inaalam pa kung sino ang nasa likod ng pananambang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.