Sunog sumiklab sa isang residential area sa San Nicolas, Cebu City

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Barangay Basak, San Nicolas, Cebu City.

Nangyari ang sunong, pasado alas 8:00 ng umaga araw ng Martes, September 24, 2019.

Ayon kay Senior Fire Officer Oliver Tautho ng Bureau of Fire Protection – Cebu City umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang “fire out” alas 8:57 ng umaga.

Pumutok umano ang ceiling fan ng isa sa mga bahay na pinaghihinalaang pinagmulan ng apoy.

Umabot sa pitong mga bahay ang nasunog.

Sa pagtaya ng BFP ay aabot sa P70,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...