US Pres. Donald Trump at South Korean Pres. Moon Jae-in nagpulong sa Seoul
Nagpulong sa South Korea sina President Donald Trump at President Moon Jae-in.
Sa pagpupulong ng dalawa nagkasundo silang panatilihin ang alyansa ng Estados Unidos at South Korea.
Ayon sa dalawang lider, mahalaga ang alyansa at kasunduan ng US at South Korea para mapanatili ang kapayaan at matiyak ang seguridad.
Tinalakay ng dalawang lider ang mga hakbang upang mas mapalakas pa ang mga kasunduan at ugnayan ng US at South Korea.
Pagkatapos ng pulong ay humarap sa media ang dalawang lider.
Sinabi ni Trump na mananatili ang matagal nang pagkakaibigan ng Amerika at Seoul.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.