Bakuna kontra sa polio sapat ayon sa DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng bakuna kontra polio sa bansa.

Magsasagawa ng pulong ang DOH at ang World Health Organization (WHO) para isapinal ang eksaktong dami ng bakunang kakailanganin para sa ikakasang mass vaccination.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ipinangako ng WHO na sapat ang kakailanganing bakuna at mga gamit para mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga batang kailangang mapagkalooban nito.

Target ng DOH na mabakunahan ang nasa 5.5 milyon ng mga batang edad 5 pababa laban sa polio.

Read more...