Diplomatic relations ng Pilipinas sa 18 bansa na sumuporta Iceland resolution hindi puputulin – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na mananatiling maayos ang diplomatic relations ng Pilipinas sa 18 bansa na sumuporta sa resolusyon ng Iceland na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tanging ang loans at grants lamang ang pinuputol ng Pilipinas.
Wala rin aniyang dapat na ikabahala ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil tuloy lamang ang kanilang pagtatrabaho sa 18 bansa.
Ayon kay Panelo, mananatilng putol ang loans and grants ng Pilipinas sa 19 bansa hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Masyado kasi aniyang offensive ang ginawa ng Iceland at ng 18 bansa dahil pinamumukha sa international community na walang ginagawa ang Pilipinas kundi ang basta patayin na lamang ang mga drug personalities.
Kabilang sa mga sumoporta sa resolusyon ng Iceland ang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain, Ukraine at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.