Pagkontrol sa ASF dapat isunod sa International Standard, ayon sa International Charity on Animal Welfare

Nananawagan ang World Animal Protection sa mga opisyal ng pamahalaan at publiko na sundin ang international standards sa pagkontrol ng kumakalat na ngayong African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Mark Dia, Global Farming Director sa World Animal Protection, ang ASF ay contagious viral disease na nakaapekto na sa tinatayang isandaang milyong baboy sa buong mundo.

Ngunit ang pagsugpo sa ASF ay ginagamitan ng malupit na pamamaraan ng culling at sinasantabi ang pandaigdigang panuntunan sa pagkontrol sa sakit.

Ikinaalarma ng naturang grupo ng animal charity ang natanggap na report na sa ilang bansa sa Asya na dumaranas ng ASF outbreak gaya ng Pilipinas, ay nilulunod, sinusunog o binabaon ng buhay ang mga baboy na apektado ng ASF dahil sa mas lalong kakalat ang sakit.

Kaugnay nito, sinabi ng WAP na kailangang maimbestigahan ang illegal practice na ito nang pagkontrol sa ASF. (RB)

Excerpt;

Read more...