Dating NBA player patay sa pamamaril sa Texas

Nasawi sa pamamaril sa Dallas, Texas ang dating NBA player na si Andre Emmett.

Ayon sa Dallas police, nakaupo sa labas ng kaniyang bahay si Emmett nang ito ay lapitan ng dalawang armadong lalaki.

Nagkaroon muna ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga suspek bago siya binaril ng gma ito.

Dinala pa si Emmett sa ospital pero binawian din ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Mula sa NBA ay itinuloy ni Emmett ang paglalaro sa BIG3 league.

Sa statement ng BIG3 sinabi nitong ikinalulungkot nila ang nangyari kay Emmett.

Dalawang season umanong naging bahagi ng BIG3 family ang basketboloista.

Taong 2004 nang kuhanin ng Seattle SuperSonics sa NBA draft si Emmett.

Read more...