40 katao na dumadalo sa kasal nasawi sa pagsalakay sa hideot ng Islamist militant sa Afghanistan

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2019 - 06:19 AM

Kabilang ang 40 mga sibiliyan na dumadalo lamang ng kasal sa nasawi sa mga pagsabog at barilang naganap habang sinasalakay ng mga otoridad ang hideout ng Islamist militant sa Afghanistan.

Ginawa ang raid, ilang araw matapos ang dorne strike ng US target ang mga militanteng nagtatago kung saan kabilang sa nasawi ay mga magsasaka.

Ayon sa mga otoridad, ang bahay na ginagamit ng Taliban para sanayin ang kanilang mga suicide bomber ay kalapit lamang ng bahay ng bride.

Ayon sa dalawang provincial government officials, sa 40 na nasawi sa nasabing kasalan, kabilang dito ang 12 mga bata.

Kwento ng isa sa mga bisita na si Mohammad Salim, dumadalo sila sa kasal at karamihan sa kanila ay nasa labas ng bahay ng bride nang mangyari ang mga pagsabog at pagpapaulan ng bala.

Labingtatlo pang bisita sa kasal ang nasugatan sa pag-atake.

TAGS: afghanistan, islamist militant, Taliban, afghanistan, islamist militant, Taliban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.