7 bata patay sa pagguho ng eskwelahan sa Kenya
Patay ang hindi bababa sa pitong bata habang sugatan ang 64 na iba pa matapos gumuho ang isang primary school sa Nairobi, Kenya, araw ng Lunes.
Naganap ang insidente ilang minuto lamang matapos magbukas ang klase.
Ayon sa direktor ng Precious Talent Top School na si Moses Ndirangu, posibleng ang konstruksyon ng sewer malapit sa paaralan ang dahilan ng pagguho dahil pinahina nito ang pundasyon ng building.
Pero ang building mismo ng paaralan ay gawa lamang sa mga yero at kahoy.
Naniniwala si Nathaniel Matalanga, isang structural engineer, na pawang hindi mga ‘professional’ ang nasa likod ng konstruksyon ng school building at posibleng kinurakot ang pondo para rito.
Sa mga larawan sa social media, makikita ang daan-daang residente na sumugod sa paaralan na nagpahirap pa sa rescue operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.