Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang komite sa isinumiteng resolusyon hinggil sa pagbawi ng Bangko Sentral sa moratorium sa ATM fees.
Aniya kung magkakaroon ng dagdag, ang pinakamataas na ay P3.
Nalinawan din sa pagdinig na ang dagdag singil ay para lang sa inter-bank services.
Ito ay kinumpirma naman ni Vicente de Villa ng BSP.
Dagdag pa nito, pag-aaralan din nila ang rason ng mga banko lalo na sa mga malalayong lugar o sa mga lugar na lalagyan nila ng ATM.
Sinabi rin ni Poe na ang dagdag singil sa ATM fees ay maaring may basehan din naman.
Dagdag ng senadora, natalakay din sa pagdinig ang sistema ng pananakot o panghihiya sa mga may utang sa mga banko at financial lending institutions.