P1-P3 dagdag singil sa ATM services, posibleng pagbigyan ayon kay Poe

By Jan Escosio September 24, 2019 - 04:57 AM

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Senate committee on banks na hindi 100 porsiyento ang magiging pagtaas sa ATM service fees ng mga banko.

Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang komite sa isinumiteng resolusyon hinggil sa pagbawi ng Bangko Sentral sa moratorium sa ATM fees.

Aniya kung magkakaroon ng dagdag, ang pinakamataas na ay P3.

Nalinawan din sa pagdinig na ang dagdag singil ay para lang sa inter-bank services.

Ito ay kinumpirma naman ni Vicente de Villa ng BSP.

Dagdag pa nito, pag-aaralan din nila ang rason ng mga banko lalo na sa mga malalayong lugar o sa mga lugar na lalagyan nila ng ATM.

Sinabi rin ni Poe na ang dagdag singil sa ATM fees ay maaring may basehan din naman.

Dagdag ng senadora, natalakay din sa pagdinig ang sistema ng pananakot o panghihiya sa mga may utang sa mga banko at financial lending institutions.

 

TAGS: ATM service fees, Bangko Sentral ng Pilipinas, inter-bank services, sen grace poe, ATM service fees, Bangko Sentral ng Pilipinas, inter-bank services, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.