AFP modernization apektado ng pagtanggi ng Pilipinas sa grant at loan ng ibang bansa

By Len Montaño September 24, 2019 - 04:44 AM

Posibleng hilingin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo na huwag isama ang Department of Defense sa mga ahensya na inutusang itigil ang negosasyo sa loan at grant mula sa mga bansang pumabor sa resolusyon na imbestigahan ang drug war ng Pilipinas.

Inamin ni Lorenzana na maaaring maapektuhan ng hakbang ang modernisasayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang plano ng kalihim na humiling ng exemption sa pangulo ay dahil sa inaasahang epekto kapag itinigil ang tulong pinansyal at pautang ng ibang bansa na sumuporta sa imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council ukol sa kampanya sa droga ng administrasyong Duterte.

Matapos na itanggi noong nakaraang linggo ay kinumpirma na ni Presidential Spokesman Salvador Panelo araw ng Lunes na mayroon memorandum na may petsang August 27 na nag-uutos sa lahat ng ahensya at iba pang tanggapan ng gobyerno na suspendihin ang negosasyon o kasunduan habang sinusuri ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Matatandaan na naghain ang Iceland ng resolusyon para imbestigahan ang kampanya sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado naman ng iba pang bansa.

TAGS: AFP, Defense Secretary Delfin Lorenzana, drug war, exemption, modernization, resolusyon, United Nations Human Rights Council, AFP, Defense Secretary Delfin Lorenzana, drug war, exemption, modernization, resolusyon, United Nations Human Rights Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.