Nationwide strike ng transport groups tuloy na sa Sept. 30

By Rhommel Balasbas September 24, 2019 - 04:25 AM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Kasado na ang nationwide strike ng major transport groups sa Lunes, September 30 bilang pagpapakita pa rin ng mariing pagtutol sa implementasyon ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

Sa panayam araw ng Lunes kay Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) president Efren De Luna, iginiit nito na payag naman ang kanilang grupo sa modernization program dahil kailangan na talaga ng pagbabago sa mga sasakyan.

Gayunman, sinabi ni Luna na dapat ay maging maayos ang kalakaran at sistema para sa isasagawang modernisasyon.

Binatikos ng transport leader ang panlilinlang ng gobyerno na umano’y pagpapautang sa pamamagitan ng kooperatiba ngunit ieeendorso lang naman anya sila sa Landbank of the Philippines.

Sinabi pa ni Luna na imposible rin nilang maibigay ang mga requirements na itinakda ng Landbank at ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG) para makakuha ng loan.

Mababaon lamang anya sa utang ang maliliit na operator ng jeep sakaling ipilit ang pagbili sa modern jeepney na nagkakahalaga ng P2.1 milyon kada isa.

Inaasahang lalahok sa strike ang ACTO, Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Stop and Go Coalition.

Kinukuwestyon ni Stop and Go Coalition president Jun Magno kung bakit pati ang UV express ay kailangang palitan gayong wala namang problema rito.

 

TAGS: acto, nationwide strike, PISTON, PUV modernization program, Stop and Go Coalition, transport groups, acto, nationwide strike, PISTON, PUV modernization program, Stop and Go Coalition, transport groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.